Kwentong Pinoy: parol at pasko
12.23.09
Madalas nating makita ito sa mga bahay ng mga Pinoy tuwing Pasko– iba-ibang hugis, laki, at kulay! Nagdadala ito ng liwanag at ningning sa madilim na gabi, kasama ng nagdadamihang Christmas lights. Oo, yan ang parol…parte na ng kulturang Pinoy tuwing Pasko.
Iba iba ang hitsura ng parol, pero ang pinaka karaniwan ay ang star. Noong bata ako, madalas, gawa ito sa Japanese paper [o kaya cellophane] at kawayan. Naaalala mo rin ba yun? Ngayon, karaniwan na ang makikulay at maiilaw na parol na gawa sa capiz shells. Ang gaganda!
Nung bata ako, lagi kong iniisip, bakit nga ba tayo nagsasabit ng parol tuwing Pasko? Maraming pwedeng sagot, at marami na din akong narinig na explanation, pero ito ang paborito ko: Nang hinahanap ng tatlong hari ang sanggol na Hesus, isang tala ang gumabay sa kanila upang mahanap si Hesus. Tila sinasabi ng tala, “Andito si Hesus.” Kaya ayun, natagpuan ng tatlong hari ang sabsaban kung saan ipinanganak si Hesus.
Kaya naman sa pagsasabit natin ng mga parol sa ating bahay ay para na rin nating sinasabi, sa pamamagitan ng tala sa parol, na “si Hesus ay nandito sa aming tahanan.” Napakaganda diba?
Nais kong isipin na sa pagsabit ng aming pamilya ng parol sa aming bahay ngayong Pasko ay maipakita man lang namin or maipadama sa iba na, oo, si Hesus [o kahit kapirangot man lang ni Hesus] ay matatagpuan sa aming tahanan.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!
Tags: Kwentong Pinoy



naku isa ang parol na gusto kong xmas decor. hindi kasi nagsasabit nyan ang mommy ko.
merry xmas grace
.-= upto6only´s last blog ..PHOTOHUNT: Fast =-.
Merry Christmas. I love your explanation of why we hang the parol. I never thought of it that way. I’m thinking where I can get a parol here for my house.
.-= kayni´s last blog ..Snow Day! =-.
our pinoy pasko isn’t complete without bibingka, puto-bumbong and yes, those parol…maligayang pasko at namamasko po, kg!
Merry Christmas KG and to your family! Hugs!
nice. ako naman, im a sucker for christmas trees!
have a meaningful christmas! ♥
Naalala ko yung giant lantern fest. =) Walang ganyang parol dito. Maligayang Pasko, KG!
That’s what I know about parols too, at least that I was taught in my school and by my Mom. Maligayang Pasko.
.-= r u s s´s last blog .. =-.
Hello Grace!
Haha! tama ka dun sa sinabi mo sa blog ko!
iiii ang ganda naman nito! uy pa share naman nang pic mo ha? iba blog ko sya. Shempre credit sayo ahihi
mwah! Salmat Grace! Ano ba camera gamit mo? Ang ganda ah
punta ako ng Saturday sa Manila. Bibili ako nang Camera. Balak ko ung nikod3000
grace. nilagay ko din dito ung pic mo
http://www.soloden.com/2009/12/may-your-heart-be-filled-with-joy-this.html
.-= julius´s last blog ..May Your Heart Be Filled with Joy This Holiday Season =-.
merry christmas kg!
merry christmas KG. =) nakakamiss ang pilipinas.
.-= steph´s last blog ..day 323 | december 5, 2009 | k&r reception – teaser =-.
Happy Christmas KG…
.-= sunny´s last blog ..the spell =-.
happy Xmas and have a blessed new year!
Pasko pa rin para sa akin.. hehehe!
Merry Christmas and Happy New Year!
2010 will be awesome!!!!
.-= cza´s last blog ..Just because I was craving for something cold… =-.